blog

Friday, May 20, 2016

100M plus ang population ngayon sa Pinas

Sa wala pang Idea sa parami ng parami na bilang ng population ng bansa, aba e ang bilis kung titingnan. Akalain nyu e 100 plus na pala ang pinoy sa Bansa? Ganito ang sabi ng isang World meter site:



The current population of the Philippines is 102,061,261 as of Thursday, May 19, 2016, based on the latest United Nations estimates.

The Philippines population is equivalent to 1.37% of the total world population.

The Philippines ranks number 12 in the list of countries by population.

The population density in the Philippines is 343 per Km2 (888 people per mi2).

The total land area is 298,192 Km2 (115,133 sq. miles)

44.9 % of the population is urban (45,842,660 people in 2016)

The median age in the Philippines is 24.4 years.


Ito po ang sabi ng Pahayagan, at kung ikukumpara ang dami ng bilang sa mga nakaraang panahon ay ganito:



Sa tingin nyu, may magagawa pa kaya ang gobyerno para kung sakaling patuloy na dumami ang population ay maisalba ang maraming naghihirap? At isa pa may magiging epekto kaya ang pagdami ng populasyon? Ano ang inyong reaksyon...

Tuesday, May 26, 2015

Oldest Man and Woman in the Philippines




I'm glad when I read and seen from one Website (zamboanga.com)that they are seaching in case there is more than from their list , for what? THE OLDEST PERSON, and of course from our homeland , the Philippines. They are starting in this inquiry in order to honor the older generation of the philippine.                 



The Oldest Living Man in the Philippines

If you think that your uncle or grandfather or great-grandfather or any male member of your family is the oldest man in your community go ahead and post his name here. Remember to state his full name, date of birth, and current residence. Candidates for the Oldest Man in the Philippines (Zamboanga.com).


● Victoriano Sejesmundo Bermejo - February 17, 1917 (93) ,Molave, Zamboanga del sur
-Need more information.


Mr. Jose Bactad Lopez of Barangobong, Luna, La Union, Philippines.




 He was born on May 5 1900, during the first outbreak of cholera in the Philippines. He was recognized by the Municipality of Luna as the oldest living person in our town and also in the province of La Union. He just survived a second life at 112 yrs old from a severe pneumonia. He was incapacitated for 2 days, his body rejected all IV's and medicine, just rOxygen was restoring his life. Until July 13, 2011 when he woke up and started telling stories about his long journey on his sleep. His life is a miracle. Jose B. Lopez is a living legend.


Zacarias dela Cruz Guillermo

- 89 years old, of Baluga, Talavera, Nueva Ecija, Philippines Born on September 6, 1923, married to Emilia Sebastian(deceased). Read more 


● Apolinario Dayao born on: Dec. 26, 1918 Age: 93 of San Vicente, Cabiao, Nueva Ecija, Philippines


●Mr. FLAVIANO C. JUBANE of Poblacion, Antequera, Bohol is the oldest living man in the Philippines. His age nowadays is over 103 yrs. old. His date of birth is December 22, 1909. He is still a healthy man.

Hello, I wanted to put my grandfather name on here. He's going to be 101 years old by end of this month. His name is Balbeno Omedos Campanon lives in Cambuntan Carcar City. D.O.B 3-31-1912. I hope to hear from you soon.


● Felipe Vilches - Born May 26,1916 from: San Enrique (Lebas), San Lorenzo, Guimaras, Philippines


The oldest Living person (Woman) in the Philippines

If you think that your aunt or grandmother or great-grandmother or any female member of your family is the oldest woman in your community go ahead and post her name here. Remember to state her full name, date of birth, and current residence.


Juana Ramillano Flores 
 

- Living in Tumaga Por Centro, Zamboanga City is 92 years (in 2014) old living in Tumaga, Zamboanga City


Teofila Bayot Dulaca

was born on November 3rd, 1912 is 100 years old (in 2012) and currently resides in Tumaga Interior, Zamboanga City, Philippines.


● Carolina Carpio Delfin - is a Zamboanguena but now residing at Pasig City, Metro Manila. She would be 96 years old on November 20, 2015. She was born on November 20, 1919. Her former residence is Baliwasan Moret.


● Honorata Maglaque Pangilinan born on: May 20, 1920 Age: 92 of San Vicente, Cabiao, Nueva Ecija, Philippines.


● The oldest of woman of San Clemente, Tarlac, Philippines is "Mrs Vanlintina Martin Dumlao and she was born in July 10 1910 Nagsabaran, San Clement....She is the wife of Mr Gregorio Dancil Dumlao born in November 15, 1900 a retired US Army....He died in July 1995....they are the firs generation of Sab Clement Tarlac.....Mrs Valintina Martin Dumlao reside now in Kamuning Quezon City...she's still in good health....Happy Birthday (entry date: 31 July 2010)
Irene Javier-Cañada: Born, October 20, 1921 will be 94 this year of 2015. She is from San Vicente, Gumaca, Quezon, Philippines.


● Cristita Beberino Casundo who is fondly called as "Titang" known to be the oldest woman resident of Barangay Fabio Tagana-an, Surigao del Norte. She was born on April 21, 1917. Titang married to Estelito Corvera Casundo (+) and they blessed with seven children. She is still able to talk although have difficulties in hearing and seeing. She never drinks milk but the calcium she gain from foods she has eaten mights sustains her bones capabilities. Titang used to walk oftentimes especially at morning just make her body energetic and lively. She even could still recite her favorite grade school poem "Once I Saw a Little Bird".


Oldest person who has ever lived in the Philippines. These folks lived a long life. God bless them.

● Apong Filomena "Lumen" Tadije Ordoñez, who died last 2004 at the age of 106. She used to live in Purok I of Barangay Paraoir, Balaoan, La Union, where wishes were about to come through to her through the help of GMA Kapuso Program "Wish Ko Lang". Apo Lumen died three months before the staff of Wish Ko Lang went to the barangay to coordinate the taping of the program.


● Mr Melchor M. Gonzales Of SONQUIL, STA BARBARA. PANGASINAN He was born January 6, 1920 . He just passed away OCT.1. 2010 . He was 90yrs old and 10 months.

Sunday, May 24, 2015

Laro noon o laro ngayon?




Paano mo ba maikukumpara ang laro noon at laro ngayon?


Batid sa bawat isipan ng tao lalo ng mga kababayan nating mga Pilipino ang mga larong mga kinagigiliwan. Mula sa tinatawag na "LARONG PINOY" o "LARO NG LAHI" na noong mga naunang mga panahon ay kinagigiliwan at laging sinusulong ng bawat mamamayan. Kung susuriin at titingnan ang Malaking kabutihang idudulot nito ay maituturing na mga uri ng ehersisyo sapagkat nakakatulong sa pangangatawan. May naaalala paba kayo kung anong mga laro noon? Seguro marami na ang nakalimot nito bunga ng pag usbong ng teknolohiya tama po ba? Bago natin alamin iyon balikan muna natin at alamin kaylan ito isinulong?


Unang inilunsad ang palarong ito noong Pebrero 10, 1984 sa Laoag, Ilocos Norte sa pangunguna ng Ministry of Education, Culture, and Sports (ngayo'y Department of Education), Office of the Provincial Governor at Office of the Municipal Mayor. Di naglaon ay ibinilang na rin ito sa ilalim ng araling Physical Education ng Bureau of Physical Education and School Sports.

Magbigay tayo ng iilang halimbawa ng mga Laro ng Lahi o larong Pinoy :



1. TAGUAN


Naaalala ko ang larong ito sapagkat sa murang edad ng kabataan ko ay ito ang unang naituro sa Akin. haha. Isang larong sikat sa mga lalawigan ng Pangasinan, Nueva Ecija at Pampanga, ito ay hango sa larong Ingles na ang tawag ay "HIDE AND SEEK" . Magandang maglaro nito sa mga lugar na maraming matataguan gaya ng puno o mga halamanan o sa mga kubo. Ang maganda rin dito ay kahit ilang tao ay pwedeng sumali, ang kailangan lamang ay may tukuyin na “TAYA”. Ang sinumang matukoy na taya ay siyang magbibilang ng hanggang 30 habang nakapikit at nakasandal sa puno na nagsisilbing home base.

PAANO LARUIN?

Habang ang taya ay nagbibilang, ang mga kalaro ay naghahanap ng kanya kanyang mapagtataguan. Pagkatapos magbilang ng taya ay hahanapin na niya ang mga nagtago. Ang bawat nagtago naman ay hahanap ng paraan upang makapunta sa home base nang hindi nakikita ng taya sabay sisigaw ng “SAVE”. Maliligtas mula sa pagkataya ang sinumang makapunta dito nang hindi nahuhuli. Matatapos lamang ang laro kung ang lahat ng manlalaro ay nakalabas na sa pinagtataguan.


2. LUKSONG BAKA



Nakakatuwa ang larong ito Sa larong ito, naaalala ko tuloy noong kasali ako rito sa aking kapanahunan sapagkat binibiro minsan ng taya ang lulukso sapagkat biglang tatayo (sa aking karanasan lamang ha).

PAANO LARUIN?

Ang isang manlalaro ay tutuwad ng bahagya habang nakasuporta ang kamay nito sa kanyang tuhod. Ang mga kalaro ay lulukso sa itaas ng taya gamit lamang ang mga kamay. Kapag sumayad ang mga binti ng lumukso sa ibang parte ng katawan ng taya, siya ang papalit dito. Sa mga bukirin ng Pangasinan sikat ang larong pinoy na ito.


3. SIYATO



Sa Ka Visayaan ay kilala ito sa larong PITIW at iilan naman sa Mindanao ay kilala naman sa "SIYATONG".

PAANO LARUIN?

Dalawang manlalaro ang maglalaban dito. Kailangan ng bawat isa ang maikling patpat upang magsilbing pamato at mahabang patpat para gawing panghampas nito. Ang maikling patpat ay pumapagitna sa dalawang bato o home base at ang unang maglalaro ay ihahagis ito pataas sabay hataw dito gamit ang mahabang patpat hanggang sa maipalo palayo mula sa home base. Ang napalayong patpat ay pupuntahan ng naghagis at uulitin ang unang ginawa. Titigil lamang ito kung hindi natamaan ang kahoy habang nasa hangin. Ibabalik ito ng manlalaro habang sumisigaw ng “SIYATO” pabalik sa home base. Kung hindi nakasigaw ng “siyato” ay uulitin nito ang paghagis at paghataw.


4. PALO SEBO



Nakakaaliw ang larong ito at alam ng maraming pamilyang pilipino.

Paano laruin?

Ito ay nilalaro sa pamamagitan ng pag akyat sa mahabang kawayan na nilagyan ng grasa na magsisilbing pampadumulas. Kinakailangan ang malakas at makapit na paghawak sa kawayan upang makaabot sa tuktok at makuha ang premyo. Sa mga lalawigan sa Luzon tanyag ang larong ito sapagkat maraming puno ng niyog (madalas gamitin sa larong ito) ang matatagpuan dito.


5 LUKSONG LUBID



Ang larong ito na binubuo ng tatlo o higit pang manlalaro ay simple lamang na kahit pinagdugtong dugtong na goma ay maaari nang gamitin.

Paano laruin?

Sa larong ito lumulukso ang bawat manlalaro habang pabilis nang pabilis ang ikot ng tali o ng pinagdugtong na mga goma. Kapag tumama ang tali sa paa ng lumulukso, dahilan upang matigil ang pagikot nito ay siyang papalit naman ang ibang manlalaro. Isa pang uri ng luksong lubid ay tinatawag na Chinese Garter . Sa larong ito, tatlo o higit pang manlalaro ang maaaring sumali. Gamit ang garter, lulukso lamang ang bawat manlalaro ngunit hindi tulad ng sa naunang uri, ang garter ay pataas ng pataas: mula sa bukong bukong hanggang sa itaas ng ulo. Kapag matatangkad naman ang iyong mga kalaban at may mahaba kang binti ay malaki ang tsansa ng pagkapanalo.


6. TRUMPO


Sa madaling pagsasaliksik ng larong trumpo, makikita mo muna ang sikat at hinahangaang palabas noong 90s. Ito ay pinamamagatang “Tropang Trumpo” na pinagbibidahan nina Ogie Alcasid, Michael V, Gellie De Belen at Carmina Villaroel.


Ang nakakatawang palabas na ito ay handog sa larong trumpo. Sa salitang banyaga, tinatawag din ang larong ito bilang "SPINNING TOP" sa Ingles, "SPUN TSA LIN" sa Intsik at "KOMA ASOBI" sa Hapon.

Paano laruin?

Dalawang mahalagang gamit ang kinakailangan upang makapaglaro nito. Una ay ang gawa sa kahoy na hugis ng tulad sa acorn na mayroong pako na nakabaon ang ulo mula sa kahoy at ang
pangalawa, isang mahabang lubid na magpapaikot sa kahoy na may pako. Sa oras na mapakawalan na ang kahoy mula sa lubid, marapat na maglaan ng sapat na espasyo ang manlalaro upang magpaikot ikot ito sa iba’t ibang direksyon.

Mahilig maglaro ng trumpo ang mga batang lalaki sa Lanao del Sur. Nasa kanilang lugar rin nagmula ang pinakamalaking trumpo sa Pilipinas;
tinatawag itong Batige.



7. BAHAY-BAHAYAN


Katulad ng larong ito ang Titser-Titseran (Umaarteng guro) at Doktor doktoran (umaarteng doktor). Sa larong ito ay may mga batang umaarte na tulad sa ama at ina ng isang bahay, partikular na ang nipa hut, at may kasamang beybi na manika.

Paano laruin?

Ang karaniwang ginagawa ng ama dito ay pumapasok sa trabaho habang ang ina na nakasuot ng saya ay naghahanda ng makakain gamit ang mga putik na gawa sa plato at mga damo at bulaklak na nagsisilbing pagkain. Inaalagaan din ng umaarteng ina ang beybi na manika na kanilang anak. Kalat ang kasikatan ng larong ito sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas sapagkat bawat bata ay mismong sa magulang nakakakuha ng ideya kung paano sila gagayahin.



8. Jack-en-poy



Sa Ingles, ang bansag dito ay Rock-Paper Scissors. Ang larong ito ay naglalayong matalo ang bawat galaw ng kamay sa pagitan ng dalawang manlalaro. Halimbawa, talo ng gunting ang papel, talo ng papel ang bato at talo ng bato ang gunting. Hindi makukumpleto ang larong ito kung wala ang kantang “jack-en-poy,
hali, hali hoy! Sino’ng matalo siya’ng unggoy!. .



9. Sipa



Tinatawag na Tepak Sakraw sa Indonesia at Sepak Raga sa Malaysia, ang larong ito ay madaling makikita sa lansangan sapagkat mga punit punit at makukulay na plastik at isang takip ng bote o tansan lang ang kailangan.

Paano laruin?

Nilalaro ito sa pamamagitan ng paghahagis at pagsipa pataas gamit ang paa, siko o iba pang parte ng katawan. Kapag sumayad na sa lupa ang tansan, ibig sabihin ay tapos na ang laro. Madalas kang makakakita ng mga batang naglalaro ng sipa sa mga pampublikong paaralan ng Bulacan, pagkatapos ng kanilang mga klase.



10. Patintero



Ang larong ito ay masasabing pinakakilalang laro ng mga Pilipino. Patuloy na kumakalat ang popularidad nito sa iba’t ibang lalawigan bagamat mas kilala ito sa Bulacan. Bilis, liksi, at galing sa pagtaya ng kalaban ang pangunahing dapat na isinasaalang alang ng bawat manlalaro. Ang basehan ng pagkapanalo sa larong ito ay ang bilang ng mga manlalarong nakalampas sa bawat guhit nang hindi natataya ng kalaban. Ang isang grupo ay kinabibilangan ng hindi bababa sa 10 miyembro. Maaaring maglaro ng patintero sa kahit anong lugar basta’t nasusulatan ang sahig ng yeso na nagsisilbing hangganan o kaya naman ay mga linyang dapat malampasan ng bawat manlalaro. Bilang pasimula ng laro, maghahagis ang isa ng barya upang malaman kung aling grupo ang mauunang maglaro at kung sinong grupo ang taya.



Napansin po natin ang iilan lamang na halimbawa ng Laro ng Lahi na noo'y palasak at kabi-kabila pa ito nilalaro. Subalit sa panahon ngayon bihira nalang natin ito matutunghayan at makikita. Dahil sa paglipas ng ibat-ibang pag usbong ng teknolohiya sa kadahilanang mapadali ang pamaraan ng paghahanapbuhay o di kaya'y sa iba't ibang gawain. Bunga nito, sa patuloy na paglago ay lumago rin ang pamamaraan at uri ng mga laro. Kahit batang maliit pa ay may makikita tayong masasabi nating "ADIK" na sa ONLINE GAMES, gaya ng "DOTA" at iba pang kauri nito. Upang mas komportable pa ang paglalaro, ay LAGANAP na ang mga SMART/ANDRIOD PHONES na mabibili sa murang halaga at doo'y may iba't ibang kahuhumalingang mga laro. Ang numero uno sa kasalukuyan ngayon ay ang "CLASH OF CLANS" na palasak sa iba't ibang panig ng daigdig. .


Totoong madali lamang ang larong nasa Gadget lamang sapagkat kahit saan ka man ay makakalaro ka nito kahit wala kang kasama, kaya lamang hindi na gaya ng sinaunang laro na PANGPARAMIHAN at maituturing na ehersisyong pangangatawan.


Para sa iyo, ANO KAYA ANG MAIDUDULOT NA KABUTIHAN at KASAMAAN sa pag usbong ng teknolohiya sa panahon ngayon?



Panimula

Magandang Araw po sa lahat, Ako'y nagpapasalamat sa pagkakataong simulan ang pagbabahagi ng iilang impormasyon at trivia ukol o patungkol sa mga bagay at pangyayari hinggil sa mahal nating inang-bayan (phil.) at upang magkaroon ng malawak na pagkaalam mula sa ating sariling Bansa, hindi lamang sa atin kundi maging ng ibang tao na may nais malaman.


Mula ngayon, ay inyong matutunghayan sa Blog na ito ang iilang bagay-bagay na maaaring makadagdag kaalaman narin sa atin. Salamat at pagpalain nawa tayong lagi. .


Salamat po. .